EAST LANSING, Michigan (AP) — Ipinahayag ng legal counsel ni Golden State Warriors star Draymond Green na kailangan lamang magbayad ng $560 ( P20,000) bilang multa sa noise violation at mabasura ang misdemeanor assault-and-battery charge laban sa US Team mainstay.

Ayon kay Atty. David Meyers, ang noise violation ay hindi isang kasong criminal kung kaya’t hindi na kailangan ang anumang plea para maresolba ang isyu.

Inakusahan si Green ng pananakit sa isang miyembro ng Michigan State football team nitong Hulyo 10 sa labas ng isang restaurant malapit sa eskwelahan kung saan nagtapos si Green.

Ayon sa nakalap na impormasyon, isang saksi ang nagsabi na ipinagtanggol lamang ni Green ang sarili.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinabi ni Meyers na walang “special treatment” sa NBA player na dating miyembro ng Michigan State. Kabilang si Green sa US basketball team na sasabak sa Rio Olympics.