TARLAC CITY - Dalawa sa tatlong hinihinalang drug pusher, na sinasabing kumikilos sa Barangay Burot, Tarlac City, ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa mga pulis sa Block 1 ng nasabing barangay.

Sa ulat ni PO3 Eduardo Hipolito kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, ang napatay ay si Rebel Salunson, nasa hustong gulang, habang inaalam pa ang pangalan ng kasamahan nito, gayundin ang nakatakas na pusher.

Nauna rito, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Block 1 sa Bgy. Burot hanggang nakahalata umano si Salunson kaya tumakbo ito at ang dalawa pang suspek habang nakikipagbarilan sa mga pulis.

Nakarekober ang awtoridad ng dalawang .38 caliber revolver na kargado ng bala, plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, dalawang P500 marked money, at drug paraphernalia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang nakatakas naman ay nasa 5’2” ang taas, balingkinitan, 25-30 ang edad at moreno. (Leandro Alborote)