Inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno na papalitan na ang emergency hotline na 117 at gagawin itong 911.

Pagiging pamilyar ng taumbayan ang dahilan kung bakit gagawing 911 ang emergency hotline na ipatutupad simula sa Agosto 1.

Samantala ito ay base na rin sa instruksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing accessible sa lahat ang emergency hotline, na ngayon ay may 15 seats, 43 agents at may database ng Philippine National Police (PNP). Inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga ito kapag naipatupad na ang reporma sa tanggapan.

Sa kautusan ng Pangulo, gagawing libre ang bawat tawag sa 911, ngunit pansamantala ay sasagutin muna ng caller ang gastos hangga’t wala pang memorandum of agreement ang bawat ahensyang sangkot.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Kasabay nito ay nanawagan si Sueno na iwasan ang prank calls sa 911 upang agad na makatugon ang 911 sa mga tunay na nangangailangan.

Noong nakaraang taon, umaabot sa 57 ang “hang and prank calls” sa 117 kada oras. Sa 911, tinatayang 2,730 ang maitatalang “hang and pranks calls” kada oras mula sa tinatayang 3,003 calls. (Chito Chavez at Bella Gamotea)