Mahigit na 100 immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa ang binalasa upang wakasan umano ang korapsyon at mapaghusay pa ang serbisyo para sa local at foreign travelers.

Ipinatupad ang balasahan base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan layuning alisin ang pagiging pamilyar ng immigration officers sa operating units, ayon kay Burau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.

Sinabi ng BI chief na iniiwasan na ang pagiging malapit ng mga empleyado sa isa’t isa sapagkat ito umano ang pangunahing ugat ng korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang reorganisasyon sa NAIA airport personnel ay simula lamang umano ng balasahan sa BI, kung saan sa mga susunod na araw, ang mga nakatalaga sa BI main office naman umano ang palalabasin at ipoposte sa airports. (Jun Ramirez)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists