Janine-and-Aljur copy

MAGTATAPOS na ang Kapuso Primetime series na Once Again na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica ngayong gabi.

Tampok sa serye ang kuwento ng walang hanggang pagmamahalan nina Reign (Janine) at Edgar (Aljur) na nasira man ng kamatayan ay nagpatuloy pa rin sa pamamagitan ng reincarnation bilang sina Des at Aldrin.

Bilang dedicated actress, naging daan kay Janine ang programa para mas mapaghusay pa ang kanyang pag-arte sa tulong ng tips ng mga katrabaho na kanyang iniidolo.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“I just really learned so much about professionalism. Madalas ako magpakuwento sa mga kasamahan ko sa set lalo na kina Tita Chanda (Romero), Tita Jean (Garcia) and Tita Sheryl (Cruz) kung paano sila nagsimula at mas na-inspire ako na pagbutihan ko ang trabaho ko dahil sa lahat ng achievements nila.”

Samantala, ayon kay Aljur, inspirasyon para sa kanya ang samahang nabuo kasama ang kanyang mga kapwa artista sa show.

“Sa mga co-stars ko, I’m grateful kasi may kanya-kanya tayong lakad sa buhay. At kahit papaano napamahagian nila ako ng kuwento nila sa buhay. Mula sa mga struggles and success nila. Kaya naman may mga natutunan din ako mula sa mga experiences nila,” sabi ng binata.

Sa hindi matapus-tapos na mga pagsubok, manaig pa rin kaya ang wagas na pagmamahalan nina Des at Aldrin na ipinangako nila sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang pagwawakas ng Once Again ngayong gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Alamin ang latest updates ng Once Again sa official website ng GMA Network www.gmanetwork.com at sa official Facebook page ng GMA Network www.facebook.com/GMANetwork.