LEMERY, Batangas - Natakasan ng isang preso na may kaso ng ilegal na droga ang himpilan ng Lemery Police, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang suspek na si Rodel Garcia, 45, taga Barangay Ayao-Iyao sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Ian Chavez, dakong 3:30 ng hapon nitong Martes nang ibalik si Rodel Garcia, 45, ng Barangay Ayao-Iyao, sa himpilan ng Lemery Police mula sa Provincial Prosecutor’s Office sa Batangas City.

Gayunman, hindi umano nagkaroon ng proper turn-over sa duty jailer na si PO3 Chavez at pagsapit ng 4:00 ng hapon ay natuklasang nakatakas si Garcia at pinaghahanap na ng awtoridad. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog