NABUHAYAN ng pag-asa ang ating mga kababayan na hanggang ngayon ay nakalugmok sa karalitaan, lalo na ang mga walang sariling bahay. Mismong si Vice President Leni Robreo ang nagpahiwatig na sisikapin niyang matugunan ang matinding problema sa pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pribadong sektor.

Tandisang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot na sa 1.4 milyon ang housing backlog. Ibig sabihin, ang naturang kakulangan sa pabahay ay ipinagpawalang-bahala ng nakalipas na mga administrasyon.

Ang problemang ito, sa kanyang pahiwatig sa dinaluhan niyang cabinet meeting, ang sisipakin ni Robredo na mapagtagumpayan sa kanyang anim na taong panunungkulan.

Katakut-takot pa rin sa ating mga kababayan ang mistulang palaboy ng lansangan, lalo na ang mga iskuwater at informal settlers na naninirahan pa sa mga estero. Sisikapin niyang makapagtayo ng mga low-cost housing at matatag sa mga kalamidad at pabagu-bagong klima; hindi pabahay na nabahiran ng mga katiwalian.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ganitong pagsusumigasig at katapatan sa paglilingkod na determinadong patunayan ni Robredo ang tiyak na naging batayan ng Pangulo upang siya ay hirangin bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDSS).

Bagamat hindi itinatadhana ng Kosnstitusyon at lalong wala siyang obligasyon na italaga si Robredo sa alinmang posisyon, hindi nag-atubili ang Pangulo upang siya ay makatulong sa Gabinete. Walang dahilan upang mabigo ang administrasyon sa mga tungkuling nakaatang sa mga balikat ng Vice President.

Gayunman, kabilang ako sa mga nangangamba na mahati ang makabuluhang panahon ni Duterte sa mga makabuluhan ding misyon na dapat niyang gampanan bilang pangunahing lider ng kinaaaniban niyang Liberal Party (LP). Bilang pinakmataas na nahalal na opisyal ng naturang lapian, hindi maiiwasang pamunuan niya ang mga pagpupulong nito; marapat na panatilihin niya ang natitirang mga miyembro nito na ang karamihan ay lumundag na sa super-majority ng bagong administrasyon; kailangang kahit na 30 ay may matira sa LP upang sila ay hindi naman madehado sa pamumuno ng pangunahing mga komite sa Kongreso.

Hindi maiiwasan na si Robredo ay magtungo sa iba’t ibang panig ng bansa na pinamumunuan pa ng ilang miyembro ng LP.

At ang misyong ito ay dapat niyang gampanan hanggang sa susunond na mga halalan. Sa gayon, hindi kaya maging balakid ang mga ito sa pagtupad ng tungkuling inaasahan sa kanya ng Gabinete at ng mismong mga mamamayan?

Sana ay hindi mahati ang panahon ni Robredo at hindi mabigo ang sambayanan.