MANGALDAN, Pangasinan – “’Ikulong mo sarili mo’, sabi ko. Pinosasan namin. Trabaho lang, walang personalan.”

Ito ang naging pahayag ni Mangaldan Police Chief Supt. Benjamin Ariola matapos niyang ipakulong ang kapatid na si Mamerto Ariola, 39, dahil sa paggamit nito ng ilegal na droga.

“Ang agreement between family members, no cases filed, basta kuwan (napagkasunduan) na lang namin na magkapatid at saka mother ko [na ipakulong siya],” ani Ariola.

Sinabi ng hepe na alam niyang gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid simula noong nakaraang taon at hinimok niya itong magbago, pero bigo itong tigilan ang bisyo. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril