Glaiza, Sanya, Kylie at Gabbi
Glaiza, Sanya, Kylie at Gabbi

Ni PIERRE BOCO

HUMAKOT ng iba’t ibang reaksiyon ang premiere telecast ng Encantadia, ang pagbabalik-telebisyon nito noong Lunes labing-isang taon pagkaraan ng original run.

Libu-libo sa mga nanood ng pilot ng bagong edisyon ng Encantadia ang nag-post sa social media kaya naging trending topic ito sa Twitter gamit ang hashtag na #Encantadia.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sobra excited ang mga kapuso para tonight, trending na agad Encantadia!” sabi ng Twitter user na si @cookie_cream97.

Ang sabi naman nina @JOWAPAO_ at @JohnnyUsman, “WORTH IT ANG 11 YEARS #Encantadia,” “I normally don’t watch local series. I just hate the same old formula. Thank you GMA for this #Encantadia remake! I was a fan of the orig.”

Pero hindi lang matagal nang fans ang naakit, nagkaroon din ito ng mga bagong manonood na bumilib sa magandang production nito.

“Uyyy as a Mass Comm graduate, I approve! In fairness ang ganda, hindi trying hard. #Encantadia,” tweet rin ni @KarlaBonifacio.

Ilan lang ang mga ito sa napakaraming nagpa-trending sa requel ng Encantadia na napapanood na gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.