ZAMBOANGA CITY – Kahit ilang linggo nang madalas ang pag-ulan sa bansa, inihayag ng Zamboanga City Water District (ZCWD) na posibleng muli itong magrasyon ng tubig ngayong linggo matapos kumpirmahin ang patuloy na pagbaba ng tubig sa dam.

Sinabi ni Chito Leonardo Vasquez, general manager ng ZCWD, na bumaba ang tubig sa dam sa 74.06 na metro, mas mababa sa normal level na 74.20 na kinakailangan para makasapat ang produksiyon ng tubig sa siyudad na hindi na kakailanganing magrasyon.

Ayon kay Vasquez, Hulyo 1 pa huling naitala sa normal level ang tubig sa dam at hindi na umulan sa watershed area sa nakalipas na mga linggo. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito