Inihayag ng Malacañang na 4:30 ngayong hapon ay maghaharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Miss Universe Pia Wurtzbach.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa tiyak kung saan isasagawa ang courtesy call.

Kamakalawa ng umaga nang dumating sa bansa si Pia, suot ang black and white striped dress.

Bumalik sa bansa si Pia para sa kanyang pagharap sa Pangulo, kasabay ng itinakdang pag-uusap sa proposal ng Pinay-German beauty queen na sa Pilipinas ganapin ang 2016 Miss Universe pageant.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang inanunsyo ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo na aprubado na ni Duterte ang mungkahi ni Wurtzbach.

Ang pagdaraos ng Miss Universe pageant sa bansa ay tinatayang gagastusan ng P500 milyon. - Beth Camia