SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na lalaki ng nakababata niyang kapatid sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Barangay Pangalangan, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, nasawi si Reynaldo Paragas, may asawa, makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapatid na si Roberto Paragas, alyas “Barek”, 45 anyos.

Batay sa imbestigasyon, dakong 11:00 ng gabi nang lumabas ng bahay si Reynaldo makaraang may magpukol ng bato sa kanyang bahay at nakita niyang nakatayo sa labas si Roberto, na agad niyang pinagbintangan.

Nagtalo ang magkapatid hanggang magpambuno na nauwi sa pananaksak ni Reynaldo sa kanyang kuya.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Sinasabing matagal nang may away ang magkapatid. (Liezle Basa Iñigo)