Ni NORA CALDERON

Kylie Padilla
Kylie Padilla
HINDI kinabahan si Kylie Padilla noong nagti-training siya para sa role niya bilang si Amihan sa requel ng Encantadia, pero ngayong mapapanood na sila simula ngayong gabi, may pressure na siyang nararamdaman.

“May pressure po sa akin na sa second week ng Encantadia, papasok na ang apat na Sang’gre,” pahayag ni Kylie. “Hindi naman ako nahirapan sa training, ang pinag-aralan ko na lang ang internal side ni Amihan.”

Role ni Pirena ang gustong gampanan noon ni Kylie, pero bakit ngayon siya na si Amihan?

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Nag-audition po ako sa role nina Amihan, Danaya at Alena, pero never ng role ni Pirena, kaya nang tapos na ang audition at hindi nga si Pirena ang ibinigay sa akin. Sabi ko, huwag na lang dahil ayaw ko ng role ni Amihan, tinanggihan ko. Pero kinausap ako ni Direk Mark (Reyes) at ipinaliwanag niya sa akin na nakikita niya sa akin ang katauhan ni Amihan. Nagbago ang isip ko, dapat maniwala ako sa director ko, kaya tinanggap ko na ang role ni Amihan.  Akala ko hindi maganda pero nang ginagawa ko na minahal ko na si Amihan.

“May isa pang maganda, bilang isa sa mga Sang’gre, ang nanay namin si Marian Rivera as Ynang Reyna. Parang hindi ako makapaniwala, noon kasi, bata pa ako, gustung-gusto kong tingnan ang billboard ni Marian as Marimar. Gandang-ganda ako sa kanya, at ngayon, magkasama na kami sa isang project. Nang una kaming magkasama sa eksena, talagang na-starstruck ako sa kanya. Hindi ko iyon in-expect. ‘Tapos ang bait-bait niya, ang husay-husay pang umarte, at ang ganda niya.”

Napanood ba ni Kylie ang original Encantadia?

“Hindi po, sinadya kong hindi panoorin, ayaw ko pong maapektuhan ang pagganap ko bilang si Amihan, gusto ko iyong sarili kong interpretation kung sino si Amihan.”

Kaya focused siya sa Encantadia, at napangiti siya nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.  Si Aljur (Abrenica) kasi nakasabay niyang mag-audition pero hindi ito sinuwerte na makasama sa cast.

Paano si Julian Trono? Nagpaalam daw naman sa kanya si Julian na ngayon ay nasa Viva Entertainment na. Wala bang bago?

“Wala po.  Sa work na muna ako dahil papahirap pa ang mga eksenang gagawin naming mga Sang’gre dito. Sana po, subaybayan ninyo kami.”