TARLAC CITY - Malaki ang teorya ng pulisya na sangkot sa ilegal na droga ang bangkay na natagpuang may tama ng bala sa ulo sa San Manuel-Sta. Catalina Road sa Barangay San Manuel, Tarlac City.

Ayon sa report sa tanggapan ni Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, ang bangkay ay kinilalang si Ramil Santiago, alyas Susu, 33, ng Block 6, Bgy. San Jose, Tarlac City.

Napaulat na binaril sa ulo si Santiago at nilagyan ng plakard sa harap ng katawan na nasusulatan ng “Drug Pusher Ako, Sunod na Kayo”. Natagpuan din sa tabi ng biktima ang isang bisikleta, na pinaniniwalaang pag-aari nito.

Nakarekober ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng tatlong basyo ng bala mula sa hindi matiyak na kalibre ng baril. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog