SBC Red Lions, umatungal sa NCAA cage tilt.

Mistulang nagsagawa ng basketball clinic ang San Beda College sa dominanteng 90-63 panalo laban sa College of St. Benilde kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Kaagad na rumatsada ang Red Lions para sa 24-10 bentahe at hindi na lumingon tungo sa 27 puntos na panalo at manatiling walang gurlis sa nakalipas na apat na laro sa elimination round ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Nanguna si Davon Potts sa Red Lions sa naiskor na 19 puntos, habang kumubra si Donald Tankoua ng 17 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna para sa Blazers na bumagsak sa markang 0-5 si Clement Leutcheu na may 19 puntos at 15 rebound, habang nag-ambag si Yankie Haruna ng 17 puntos.

“We’re dedicated in playing defense and hitting the open shot,” pahayag ni Red Lions coach Jamike Jarin.”So, the dedication and commitment is working for us,” aniya.

Sa pangunguna ni Potts, nagbaba ng 17-0 runa ng San Beda para sa 28-10 bentahe may dalawang minuto sa first period.

“This only shows we got a deep team and we got players who are ready when it’s their time,” ayon kay Jarin.

Umiskor din si Javee Mocon ng walong puntos, anim na rebound at pitong assists para tulungan ang San Beda sa pagsirit sa solong liderato.

Iskor:

SAN BEDA 90 - Potts 19, Tankoua 17, Bolick 11, Tongco 11, Mocon 8, Noah 5, Presbitero 5, Adamos 4, Soberano 3, Carlos 2, Navarro 2, Bonsubre 1, Alas 0.

ST. BENILDE 63 - Leutcheu 19, Haruna 17, Young 10, JJ Domingo 8, Castor 4, Fajarito 2, Saavedra 2, Sta. Maria 1, Belgica 0, Dixon 0, JS Domingo 0, Pajarillaga 0, Pasamante 0, Pili 0, San Juan 0.

Quarters:

24-10, 40-26, 61-36, 90-63. (Marivic Awitan)