lesner copy copy

LAS VEGAS (AP) – Binalaan ng Ultimate Fighting Championship si dating heavyweight champion Brock Lesnar sa posibleng suspensiyon bunsod ng paglabag sa anti-doping policy matapos ang resulta ng out-of-competition drug test nitong Hunyo 28.

Isa si Lesnar sa pinakasikat na mixed martial arts at professional wrestling sa mundo. Kamakailan, tinalo niya si Mark Hunt sa kanyang comeback fight sa UFC 200 sa Las Vegas. Ito ang unang sabak ni Lesnar matapos ang limang taong pamamahinga.

“We will get to the bottom of this,” pahayag ni Lesnar sa The Associated Press.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakakuha ang AP ng kopya ng tatlong sulat ng US Anti-Doping Agency kay Lesnar kung saan nakasaad na nakapasa siya sa tatlong doping test, ngunit nagpositibo ang kanyang samples na naisumite matapos ang siyam na araw.

Naging kaugalian na ni Lesnar, 39, na sumailalim sa drug-test kada buwan bago ang kanyang pagbabalik sa UFC.

Pinangangasiwaan ng USADA ang UFC’s doping program.

Nauna nang sinuspinde ng UFC si interim light heavyweight champion Jon Jones, apat na araw bago ang UFC 200, matapos magpositibo sa drug test. Itinanggi ng kampo ni Jones ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at itinurong dahilan ang posibilidad na may sangkap ang kinakain nitong nutritional supplement.

Naiuwi ni Lesnar ang UFC-record $2.5 million na premyo sa kanyang huling laban.