KALIBO, Aklan - Isang 40-anyos na lalaki ang nasugatan sa leeg matapos itong masagi ng isang malaking isda habang nasa laot sa San Jose, Romblon.

Halos hindi makapagsalita si Ervin De Mariano habang ginagamot sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo sa Aklan.

Ayon sa kapatid niyang si Rosemarie Boronia, posibleng tama sa palikpik ang sugat sa lalamunan ni De Mariano, na hindi masabi kung anong klaseng isda ang umatake sa kanya. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog