TALAVERA, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang hindi natanggap ng isang 26-anyos na mister ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang asawa kaya nagpatiwakal siya sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Purok 3, Barangay Bacal III sa bayang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Nakabigti at wala nang buhay nang matagpuan ni Amelia Paragas-Lozano, dakong 7:10 ng umaga, ang anak na si Michael Lozano y Maniquiz, 26, car wash worker at residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Amelia kay PO2 Gilbert Dizon na labis na dinamdam ng kanyang anak ang pakikipaghiwalay ng asawa nito noong Hulyo 5. Hindi naman batid ang dahilan ng hiwalayan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog