NAPANALUNAN natin ang kaso sa United Nation’s Permanent Court of Arbitration na matatagpuan sa Hague, Netherland, ngunit hindi kinikilala ng China ang desisyon. Isang makasaysayang tagumpay ang pagkapanalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (South China Sea).
Ayon sa China: “The award is null and void, and has no binding force.”
Sa pananaw ng pagpabor sa desisyon ng UN-backed international court, maaari nang isumite ng Pilipinas ang kaso bago ang UN Security Council upang malabanan ang hindi pagkilala ng China sa naging desisyon.
Ngayon na mas pinagtibay na atin ang nasabing isla, maaaring nang makipagnegosasyon ng mapayapa sa China. Dapat kilalanin ang naging kontribusyon nina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio T. Carpio at Supreme Court Justice Hardeliza sa pagkamit ng makasaysayang desisyon ng arbitral tribunal.
Ang mga mangingisda sa Zambales na pinagbawalan mangisda sa West Philippine Sea ay siguradong masaya sa naging desisyon ng international court na maaaring mangisda ang kahit sino sa Scarborough Shoal fishing area. Masaya rin si Zambales Gov. Amor Deloso at anak na si Congresswoman Cheryl Deloso sa desisyon.
Ang police report na nagsasabing ikalawa ang Aklan sa probinsiyang pinakatalamak sa krimen. Sa pag-uugnay sa Aklan bilang probinsiya na may pinakamaraming kaso ng krimen na isa sa mga sikat na destinasyon para sa mga turista, ang isla ng Boracay, isa itong malaking problema.
Ang kapangyarihan ng Estado sa pagpaparusa ng mga drug pusher, user, at drug lords ay kinakailangang ipatupad agad.
Gayunman, kinakailangan pa ring pairalin ang rule of law at due process.
Bumubuo ang Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines Inc. (FPPCPI) ng isang legal panel upang alalayan ang “super body” na bubuohin ng Malacañang para sa lumalaking bilang ng pinapatay na mamamahayag.
Ayon kay FPPCPI president Allan Sison, ang ilang legal expert mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na ang adbokasiya ay proteksiyunan ang mga mamamahayag at isulong ang press freedom ay kinonsidera sa pagbuo ng panel. (Johnny Dayang)