Isang hinihinalang holdaper ang binaril at napatay ng dalawang suspek sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Boy Luha”, nasa hustong gulang, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong 10:20 ng gabi, pinagbabaril ng dalawang suspek ang nakatayong biktima sa panulukan ng Gil Puyat at Buendia Avenue.

Nang makitang bumulagta ang biktima ay sinabitan pa umano ito ng karatula sa katawan na may katagang: “’Wag akong gayahin. Holdaper ako”. (Bella Gamotea)
Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon