TARLAC CITY - Isang barangay justice member ang pinagbabaril ng hindi nakikilalang armado matapos dumalo sa isang birthday party sa Sitio Paninaan, Barangay Carangian sa Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Ruiz, nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Noel Dimaculangan, 55, may asawa, ng Bgy. Caraingan.

Napag-alaman na nakipagdiwang ng birthday ang biktima, kasama ang kanyang asawa, sa kanilang kapitbahay at pauwi na dakong 1:30 ng umaga nang harangan at pagbabarilin ng suspek sa sakay sa motorsiklo.

Nakarekober ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng apat na basyo ng .45 caliber pistol at isang homemade .38 caliber revolver na may tatlong bala at walang serial number. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog