Tagumpay ng lahat ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations (UN) na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa usaping hurisdiksyon sa West Philippine Sea, kung saan nakikita na ang permanenteng solusyon, ayon kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

“Let us bear in mind: Where there is conflict over claims and opinions, cooperation cannot exist. Now that the rules are even clearer, we can all move forward as a global community. Without doubt, this long-running dispute is now closer to having a permanent solution,” ayon sa dating Pangulo.

Inilarawan ni Aquino bilang “fair” at “monumental” ang desisyon ng PCA kung saan maituturing umano itong tagumpay ng lahat, hindi lang ng Pilipinas.

Noong Martes, ibinasura ng arbitration tribunal ang pag-angkin ng China sa South China Sea. Wala umanong “historic rights” ang China sa inaangkin nitong 9-dash line sa lugar.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Magugunita na isinampa ng Aquino administration sa arbitration court na nakabase sa The Hague, ang pagmamatigas ng China sa West Philippine Sea. Iginiit ng Pilipinas na labag sa pandaigdigang batas ang pagpasok ng China sa nasabing lugar. Ang argumento ng Pilipinas ay kinatigan naman ng nasabing tribunal. (Genalyn D Kabiling)