LA PAZ, Tarlac - Nagiging mainit ngayon ang operasyon ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals na kamakailan ay pinagbabaril ang isang hinihinalang drug pusher sa La Paz-Sta. Rosa Road, Barangay Caramutan sa La Paz, Tarlac.

Ayon kay SPO1 Dominador Yadao, hindi pa matiyak ang lagay sa ospital ni Domingo Libunao, Jr., 45, may asawa, ng nasabing barangay.

Dakong 1:00 ng hapon at nagtatawag ng pasahero ng jeepney ang biktima sa gilid ng kalsada nang dalawang armado na sakay sa pulang motorsiklo ang dumaan at pinagbabaril siya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog