Naghain si Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ng panukalang batas sa Kamara na naglalayong maipatupad ang “genuine land reform program” upang matugunan ang apat na dekada nang problema sa bansa.

Sinabi ni Casilao na ang House Bill 555 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) ay isang mabisang hakbang upang maresolba ang kawalan ng lupa ng mahihirap na magsasaka sa kanayunan.

“The main goal of GARB is to distribute the agricultural lands to the farmers at no cost to the beneficiaries,” ani Casilao.

Ayon sa kanya, ang patuloy na monopolya at pagkontrol ng ilang pamilyang panginoon sa mga lupain ay patunay na ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) ay isang huwad na batas para mabuwag ang land monopoly. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'