Tampok ang pinakamahuhusay na batang swimmer sa bansa sa huling yugto ng MILO-Philippine Swimming Long Course Championships simula bukas, sa Rizal Memorial Sports Coliseum swimming pool sa Malate, Manila.

Sinabi nina MILO Sports Executive Robbie De Vera, kasama sina Lani Velasco, Philippine Swimming Incorporated (PSI) Secretary General at swimming coach Reina Suarez, sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum na inaasahan ang maigting na labanan para sa titulo sa nakatayang kategorya.

“We are happy to be of help in this culmination of a nationwide tournament as it is our first time to partner with PSI and also to be of support to a long-standing program that brings awareness and higher level of competition for our young swimmers,” sabi ni De Vera.

Paglalabanan ang limang kategorya sa apat na araw na swimfest para sa mga atletang 11 -17 ang edad.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We expect very exciting competition. And part of side event we will hold demos on diving, synchronized swimming and water polo,” ayon kay Suarez, coach ng synchronized swimming team.

Ipinahayag pa ni De Vera na kabuuang 631 ang qualified swimmers na mula sa Visayas, Mindanao at Metro Manila na kabilang sa 79 swimming club at organisasyon sa bansa.

Ipinaliwanag ni Velasco na layunin ng PSI na mabigyan ang kabataan nang tamang torneo para sa kanilang pagpupursige na umangat sa sports.

“We believe that one way to get our kids to be active in sports is swimming. That’s why we’re trying to promote it,” aniya. (Angie Oredo)