PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat – Isang katiwala ng dating alkalde sa Buluan, Maguindanao ang binaril at napatay ng dalawang suspek sa Barangay Malingon ng nabanggit na bayan, nitong Lunes ng hapon.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Emmanuel Morado, 33, may asawa, ng Purok Sampaguita, Bgy. Poblasyon, President Quirino, Sultan Kudarat.

Batay sa nakalap na ulat mula kay SPO4 Darwin Tambasacan, ng President Quirino Police, sakay sa kanyang multi-cab si Morado nang bigla itong pinagbabaril ng mga suspek, na agad na tumakas sakay sa isang motorsiklong hindi naplakahan. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog