TARLAC CITY - Inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Judith Angeles na ilulunsad sa Hulyo 13-15 ang “Negosyo, Konsyumer at Iba pa” sa Clark Freeport.

Aniya, layunin ng programa na isakatuparan ang misyon ng DTI na palaguin pa ang mga negosyo at bigyan ng kapangyarihan ang mga mamimili.

Isa sa mga tampok sa aktibidad ay ang pagbubukas ng regional trade fair na “Mini Likha ng Central Luzon” at Diskwento Caravan, na lalahukan ng mahigit 50 exhibitor, na nagbebenta ng mga pangunahing produkto sa rehiyon.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog