Usain Bolt

KINGSTON, Jamaica (AP) — Sa kabila ng tinamong injury sa isinagawang Olympic trial, kabilang si world record holder Usain Bolt sa line-up ng Jamaica para sa Rio Olympics.

Sa inilabas na opisyal na line-up ng Jamaican Olympic Committee, kabilang si Bolt sa ipanlalaban ng bansa sa kabila nang hindi nito pagsalang sa national championship matapos magtamo ng injury sa semifinal ng 200 meter run.

Sasabak si Bolt sa 100-meter at 200-meter dash, gayundin sa 4x100-meter relay. Winalis ni Bolt ang tatlong event sa Beijing Games noong 2008 at London Games sa 2012.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas