TOKYO (Reuters) – Sinabi ng Honda Motor Co Ltd noong Martes na naging katuwang ito sa pagdebelop ng unang motor for hybrid cars sa mundo na hindi gumagamit ng heavy rare earth metals, isang breakthrough na magbabawas sa pagsandal nito sa mahal na materyales, na halos kontrolado ng China.
Ang hybrid vehicles, pinagsasama ang gasoline engine at electric motor para sa mas mahabang biyahe, ay popular na mayayamang bansa ngunit naging hamon ang pagbili ng matatag na supply ng rare earth elements gaya ng dysprosium at terbium.
Sinisikap ng mga automaker na palawakin ang mapagkukunan ng mga materyales upang mabawasan ang pagsandal sa China, na noong 2010 ay nagpataw ng temporary, de facto ban sa pag-export ng rare earth minerals sa Japan dahil sa agawan ng teritoryo ng dalawang bansa.
Sinabi ng Honda, ang third-largest automaker ng Japan, noong Martes na ang teknolohiya, dinebelop ng Daido Steel Co Ltd, ay gagamitin sa susunod na Freed minivan na pasisinayaan sa autumn. Gagamit pa rin ang redesigned motor ng light rare earth element na neodymium, na matatagpuan din sa North America at Australia, bukod sa China.