LONDON (AP) — Hindi isa, kundi dalawang tropeo ang iuuwi ni Serena Williams mula sa All-England Club.

Williams SistersTatlong oras matapos makamit ang record-tying 22 Grand Slam singles title, nakipagtulungan si Serena sa kanyang Ate Venus at magaan na gapiin ang karibal na sina fifth-seeded Timea Babos ng Hungary at Yaroslava Shvedova ng Kazakhstan, 6-3, 6-4, para sa ikaanim na doubles title sa Wimbledon Tennis Championship nitong Sabado (Linggo sa Manila).

“I had just enough time to change and get my ankles re-taped,” sambit ni Serena, napantayan ang Grand Slam singles career record ni Steffi Graf sa 22 nang pabagsakin si Angelique Kerber, 7-5, 6-3.

“But there was so much adrenaline. I didn’t want to cool down too much. Definitely had some sleepless nights, if I’m just honest, with a lot of stuff,” aniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngayon, target niyang mapantayan hindi man mahigitan ang 24 singles title record ni Margaret Court.

Tinanghal ding kampeon sa doubles ang magkapatid noong 2000, 2002, 2008, 2009 at 2012. Tangan nila ang kabuuang 14-0 sa major doubles finals. Ngunit, lumaban sila ngayong taon bilang unseeded dahil huli silang lumahok sa doubles event, may apat na taon na ang nakalilipas.

Sa Rio Olympics sa Agosto, target nilang lumaban sa double event. Nakopo nila ang kampeonato sa quadrennial Games noong 2000, 2008, at 2012.

Sa men’s doubles, nakopo nina Nicolas Mahut at Pierre-Hugues Herbert ang pamosong tropeo kontra sa tambalan nina Julien Benneteau at Edouard Roger-Vasselin 6-4, 7-6 (1), 6-3.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na all-French ang nagwagi sa Grand Slam men’s doubles sa Open era.