Matapos ipag-utos ang malawakang kampanya laban sa mga drug trafficker at tuldukan ang krimen sa mga kalsada ng Maynila, target naman ngayon ni Mayor Joseph āErapā Estrada na linisin ang pulisya sa ākotongā cops.
Ang mga pulis na sangkot sa pangongotong at protection racket ang susunod na tututukan ng pamahalaang lungsod kaugnay ng kampanya nito laban sa krimen, ayon kay Estrada.
Inatasan ng alkalde si Senior Supt. Joel Coronel, hepe ng Manila Police District (MPD), na sibakin ang mga pulisyang sangkot sa extortion.
Tinawag ni Estrada ang mga pulis na ito bilang mga ābugok na itlogā na maaaring makaimpluwensiya sa iba pang operatiba ng pulisya.
Sinabi pa ni Estrada na hindi na niya matiis ang masasamang pulis na patuloy na nakasisira sa imahe ng MPD at nagiging hadlang sa kanyang mga programa para sa kapayapaan at kaayusan sa Maynila.
āBago pa man makahawa ang mga bugok na itlog na ito, tanggalin mo na,ā sinabi ni Estrada kay Coronel.
āStop all forms of kotong and dismiss anyone if warranted,ā dagdag pa ng alkalde.
Ayon kay Estrada, matagal na siyang nakatatanggap ng mga sumbong tungkol sa mga operatiba ng MPD na sangkot sa pangongotong at protection racket, at binibiktima maging ang mga lehitimong negosyo.
Aniya, laganap ang mga illegal vendor at operator ng ilegal na transport terminal sa siyudad dahil protektado ang mga ito ng tiwaling pulis.
āWe will do an internal cleansing, as directed by the mayor. He ordered us to investigate, identify, charge in court and dismiss any members of the MPD who are into these illegal activities,ā ani Coronel.