KUNG si President Rodrigo R. Duterte ay determinadong puksain ang illegal drugs sa ‘Pinas na pumipinsala sa utak at pag-iisip ng mga Pinoy, desidido naman si PNP Chief Director General dela Rosa a.k.a BATO na sundin ang utos ng Pangulo na lipulin ang mga drug lord, trafficker at pusher. Dahil dito nag-post ako sa Facebook ng ganito:

“Bato-Bato sa langit,

“Tamaan ay ‘wag magagalit,

“Hayan na si Bato na ngitngit na ngitngit,

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Sa iligal na droga at mga drug addict.”

Sa ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) na ginanap sa Clark Air Base, Pampanga, tinukoy ni RRD ang limang heneral ng Philippine National Police (PNP) (ang dalawa sa kanila ay retirado na), na ‘di umano’y illegal drug protector. Pinapunta ni Mano Digong (Kuya Digong) ang mga ito sa Camp Crame para makipag-usap kay Bato upang magpaliwanag.

Sinabi ng bagong Pangulo na bibigyan ng “due process” ang mga akusadong opisyal. Ganito rin ang pahayag ni General Bato nang magtungo sa kanyang tanggapan ang 3 aktibong heneral. Sinabihan niya silang “to face the music.” Malungkot daw ang tatlong police official nang makaharap ni Bato, halos mangiyak-ngiyak. Siya man daw ay halos maiyak sa pangyayari dahil ang tatlo ay upperclassmen niya sa Philippine Military Academy (PMA), at mahal nila ang PNP at pinangangalagaan ang imahe nito.

Sa isang punto, inihayag ni Dela Rosa na tutukuyin pa ni Mang Rody ang iba pang mga pinuno ng pulisya at mga alkalde na sangkot umano sa ilegal na droga. Ayaw naman niyang magbigay ng detalye tungkol dito sapagkat ayaw niyang pangunahan ang bagong presidente na may hawak ng listahan ng mga protektor ng bawal na gamot. Kung tawagin sila ay “narco-cops at narco-politicians”.

Sa wakas, hindi na pala takot sa multo si President Rody. Gagawin na niyang official residence ang Bahay Pangarap na nasa Palasyo ng Malacañang. Noong una, ayaw niyang tumira roon dahil may usap-usapan na may mga gumagalang multo sa ilang lugar sa Palasyo, tulad ng tsismis na may isang kapre na nakatira sa malaki at matandang puno ng akasya sa compound. Minsan daw ay nakikitang may tabako pa itong hinihithit, pero sabi naman ng ilang palabiro ay baka si FVR iyon na laging may subong tabako na walang sindi.

Mahigpit na itinanggi ni ex-DILG Sec. Mar Roxas ang mga haka-haka at nalalatha sa social media na siya ay konektado sa mga police general na tinukoy ni Mano Digong na protectors ng illegal drug trade at tuwirang sangkot dito.

Ipinaliwanag ng talunang kandidato na ang kanyang “professional working relationship” sa ilang heneral ay nagsimula noong siya pa ang Kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Ayon sa ginoo ni Korina Sanchez, nagwakas ang kanilang relasyon nang magbitiw siya sa DILG upang kumandidato.

Itinanggi rin niya na sila ay “Roxas Generals.” Kawawa naman si Mar, talunan at nakadapa na ay sinisipa pa. Mabuti na lang at si President Rody ay hindi katulad ni PNoy na mapanisi. Basta ang utos niya ay lipulin ang ilegal na droga at kung kinakailangan, itumba ang mga drug lord at trafficker. Hindi siya boy sisi tulad ni PNoy na laging sinisisi si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. (Bert de Guzman)