Nagkaisa ang iba’t ibang militanteng grupo sa paghahain ng kasong malversation laban kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III at dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad dahil sa pag-apruba at paglalaan ng budget sa Disbursement Acceleration Program (DAP), na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Bukod sa kasong technical malversation, kinasuhan din sina Aquino at Abad ng usurpation of legislative powers at graft and corruption sa Office of the Ombudsman.

Sampung cause-oriented group ang naghain ng 26-pahinang reklamo sa Ombudsman, kabilang ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), Bayan Muna, Bagong Alyansang Makabayan, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Recognition and Advancement of Government Workers, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Sinabi ni VACC President Dante Jimenez na walang kapangyarihan ang dalawang akusado upang gamitin ang pondong natipid ng gobyerno at ang ibang kinuha mula sa kaban ng ibang ahensiya para sa DAP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, iginiit ni Carlo Zarate, ng Bayan Muna, na ginamit din ang DAP upang suhulan ang mga mambabatas para paboran ang pagpapatalsik sa puwesto kay dating Chief Justice Renato Corona. (Jun Ramirez)