PRETORIA, South Africa (AP) — Kalaboso ng anim na taon ang ipinataw na kaparusahan kay Olympian “Blade Runner” Oscar Pistorius bunsod ng pagkamatay ng nobyang si Reeva Steenkamp.

Ibinababa ang desisyon ni judge Thokozile Masipa nitong Miyerkules.

Nahaharap sa 15 taong pagkakakulong si Pistorius dahil sa kasong pagpatay sa kanyang nobya na nabaril niya habang nasa banyo noong 2013, ngunit binigyan ng kahalagahan ang nagawang karangalan ng double-amputee sa bansa kung kaya’t ibinaba ang taon ng sentensiya.

Masayang tinanggap ng mga magulang at kaibigan ni Steenkamp ang desisyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Masipa, maituturing na “fallen hero” si Pistorius.