Magsasagawa ang University of Santo Tomas’ Office of Alumni Relations, sa pakikipagtulungan ng UST Alumni, Inc., ng kauna-unahang UST Rector’s Cup Alumni Golf Tournament sa Hulyo 28, sa Tagaytay Midlands Golf & Country Club.

Sinimulan ni Fr. Rector Herminio V. Dagohoy, O.P., hangad ng torneo na makakuha ng pondo para masuportahan ang mga Thomasian athletes na naghahangad na makamit ang tagumpay sa nalalapit na UAAP Season 79, kung saan magsisilbing host ang UST.

Iniimbitahan ang mga Alumni at bisita na gustong lumahok sa Rector’s Cup, na tampok ang individual at team play.

Nakalaan ang mga giveaways at raffle prizes para sa mga kalahok habang nakataya ang isang Foton Toplander SUV para sa sinumang golfer na makakagawa ng hole-in-one.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Paglalabanan din ang ginawa ni renowned sculptor Arch. Ramon Orlina na kakaibang disenyo sa nakatayang Perpetual Trophy para sa torneo na inaasahan na magiging taunang kompetisyon.

Mismong sa araw ng torneo ang registration ganap na 6:00 ng umaga, habang ang ceremonial tee-off ay sa ganap na 7:30 ng umaga. Isasagawa ang shot gun start sa 8:00 ng umaga.

Para sa gustong magparehistro at sponsorship, maaaring tumawag sa tel. blg. 406-1611 local 8571/8556 o 0939-9275174/0915-6345896 o mag-email sa [email protected] at hanapin si Jaika Corpus.