Tinutugis na ng pulisya ang mga pinaghihinalaang miyembro ng “Akyat Bahay” gang na nanloob at tumangay sa mahigit P3 milyon sa isang malaking bahay sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Base sa ulat na nakarating kay Quezon City Police District Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, dakong 9:30 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ni Jogie Cangayanan, 43, na bukas ang gate pati ang pintuan ng master’s bedroom ng kanilang bahay sa Banaba Street, Barangay Amihan, Quezon City.

Ayon sa biktima, magulo at nagkalat ang kagamitan sa sala at mga silid ng kanilang bahay at nawawala ang mga alahas at cash money na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon.

Lumitaw sa inisyal na ulat ni PO1 Ritchie Nabua na umalis umano ng bahay si Eleazar kasama ang pamilya dakong 4:00 ng hapon at nang umuwi sila matapos ang anim na oras ay napansin nila na sira na ang lock ng gate, tanggal na ang sliding door sa master’s bedroom at winasak ang vault na naglalaman ng P200,000 cash, US$4,000, mga mamahaling relo at alahas na nagkakahalaga lahat ng mahigit P3 milyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga operatiba ng Anonas Police Station 9 ang hindi pa kilalang miyembro ng Akyat Bahay nang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga kawatan sa lugar. (Jun Fabon)