Ibinunyag ni Manila Mayor Joseph Estrada na libu-libong kabataan ang nananatiling walang birth certificate o maituturing na “undocumented citizens”, na ikinaalarma ng alkalde kaya ilulunsad sa siyudad bukas, Hulyo 9, ang “Operation Birth Right” para bigyan ng libreng birth certificate ang kabataang Manilenyo.

“This is very alarming. Tens of thousands of children in Manila have no birth certificates or if they have, they were fake,” ayon kay Estrada.

Paliwanag ni Estrada, kung hindi mabibigyan ng birth certificate ang kabataan ay magiging problema nila ito sa paghahanap ng trabaho, at maging sa pagpasok sa eskuwela.

Mahalaga, aniya, na magkaroon ng tamang registry records ang kabataan dahil ikinokonsidera ang mga ito ng gobyerno na “officially not existing”, at mapagkakaitan ng pagkakataon sa maayos na pamumuhay at trabaho.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon kay Joey Cabrez, hepe ng Civil Registry Office na ilulunsad ang programa bukas sa Barangay 120 sa Parola Compound, Tondo. (Beth Camia)