NGAYONG Linggo (Hulyo 10), makakarating si Conan Barbers na ginagampanan ni Mark Herras sa Conan, My Beautician sa Maynila.

Iniwan ng ama ang machong barbero na si Conan Barbers kaya mas matinding hamon ang hinarap niya sa kamay ni Chika La Chaka (Kakai Bautista). Sa kanyang pagtakas, napadpad si Conan sa siyudad.

Sa Maynila, iba’t ibang trabaho ang sinubukan niya para mabuhay silang mag-iina: nariyang nag-poso negro, nag-body double, nag-dancer, hanggang nagkabit ng matataas na billboard sa EDSA. Dito niya unang masisilayan ang mukha ng babaeng magpapatibok ng kanyang puso — si Ava (Megan Young), ang napakagandang model ng Ava Cosmetics.

Pero tila hindi tinitigilan si Conan ng mga pagsubok. Habang tinutulungan siyang maghanapbuhay ng kanyang ina na si Perla (Lotlot de Leon), isang karo ng patay ang aksidenteng makakabunggo sa huli.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Doble-kayod ang dapat gawin ni Conan ngayong kailangan niyang bayaran ang gastusin sa ospital ng kanyang inang na-comatose at buhayin ang kapatid na si Connor (Balang).

Ang pinakabagong Sunday family treat na hindi lang magpapatawa kundi kukurot sa puso, abangan ang Conan My Beautician ngayong Linggo pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA-7.