Isang legal team ang binuo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para tutukan ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y midnight resolution ng nagdaang liderato sa Department of Justice (DoJ).

Magugunitang inakusahan ng grupong Filipino Alliance for Truth and Empowerment (FATE) si dating Secretary Emannuel Caparas na naglabas ng midnight resolution bago ito bumaba sa puwesto.

Nilinaw ni Aguirre na hindi lamang ang isyu ng midnight resolution ang tututukan ng grupo. Aasikasuhin din nito ang iba pang malalaking kaso na matagal nang nakabimbin sa departamento. (Beth Camia)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'