Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Hulyo matapos ang mga pagbawas sa nakalipas na dalawang buwan dahil sa mas mataas na generation charges kasunod ng madalas na pagpalya ng mga planta nitong Hunyo, sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na ang singil para sa residential customers nito sa Hulyo ay tumaas ng P0.29 per kilowatt hour (kWh).

Para sa isang karaniwang tahanan na kumokonsumo ng 200 kWh, mararamdaman ang P58 dagdag sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtaas sa singil ay dahil sa generation charge, na tumaas ng P0.34 per kWh mula sa P3.72 per kWh noong nakaraang buwan, na pinakamababa simula noong Oktubre 2004.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ay bunga ng mas mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na tumaas ng P4.49 per kWh, binanggit ang mas mataas na generation capacity sa pagpalya ng mga planta sa June supply month, na nagresulta sa limang beses na yellow alert nitong nakaraang buwan (Hunyo 13, 14, 17, 21, at 22). (MARICEL BURGONIO)