Isang barbecue vendor, na sinasabing may problema sa kanyang pamilya kaya nalulong sa droga, ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Tondo, Manila, kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Redentor Ulsano, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 1, ang biktima na si Donald Alido, 28, ng Block 2, Lot 28, C.P. Garcia Street, Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni PO3 Ricky Reloj, ang bangkay ni Alido ay natagpuan ni Domingo Maico, 37, dakong 7:00 ng umaga kamakalawa sa loob ng palikuran sa unang palapag ng bahay nito.

Ayon kina Melicia Pantin, may-ari ng bahay na inuupahan ng biktima, at Maico, huli nilang nakausap si Alido dakong 6:00 ng umaga ngunit wala naman silang nakitang anumang kakaiba sa kilos nito kaya hindi sila naghinalang plano nitong kitilin ang sariling buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagkatapos ng pag-uusap ay umalis na umano si Maico upang mamili sa palengke ng mga karneng iba-barbecue.

Gayunman, sa kanyang pag-uwi ay laking gulat niya nang makita ang biktima na nakabigti sa isang PBC pipe sa loob ng banyo, gamit ang dilaw na lubid. (Mary Ann Santiago)