Enchong & Kiray copy

HINDI namin naumpisahan ang advance screening ng I Love You To Death nina Enchong Dee at Kiray Celis sa SM Megamall Cinema 7 noong Biyernes pero tawang-tawa pa rin kami at natakot dahil masyadong morbid ang mga eksenang pumapatay na ang character ni Enchong.

Sa istorya, sobrang in love sina Tonton (Enchong) at Gwen (Kiray) na may pangako sa isa’t isa na magmamahalan hanggang kamatayan. Ang hindi alam ng huli, patay na palang talaga ang fiancé niya.

Nagtaka si Gwen na bigla na lang nag-set si Tonton ng kasal nila at pinapunta siya sa bahay nito sa probinsya, doon daw ito naghihintay sa kanya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ikinasal ang dalawa sa bundok na ginaya ang dekorasyon sa pelikulang Twilight nina Robert Pattinson at Kristen Stewart.

Ang ipinagtataka ng mga kaibigan ni Gwen, bakit hindi dumalo ang pamilya o mga kaibigan ni Tonton.

Natakot ang lahat nang biglang dumilim ang langit nang halikan na ni Tonton si Gwen pagkatapos sabihin ng paring si Lou Veloso na, ‘you may kiss your bride’ dahil parang delubyo na ito.

Nagmukhang monster si Tonton at pinagpapatay niya lahat ng mga kaibigan ni Gwen na nadiskubreng patay na pala ang groom niya.

Nakakaloka ang mga ginawang pagpatay sa eksena kaya PG-13 ang ibinigay ng MTRCB sa I Love You To Death.

Tawanan ang lahat kay Kiray sa mga hugot lines niya. Ito ang follow-up movie niya pagkatapos ng Love Is Blind at tunay ngang siya na ang Comedy Princess at sa henerasyon niya ngayon ay wala siyang karibal. Hindi kayang gawin ng iba ang mga ginagawa niya.

Ang saya-saya ni Mother Lily Monteverde na producer ng pelikula at ang direktor na si Mico Livelo sa mga naririnig nilang feedback bukod pa sa pagbating ‘advance congratulations’ dahil another hit ito from Kiray.

Sa Peri-Peri Charcoal Chicken Restaurant na pag-aari ni Enchong ginanap ang cast party at first time naming matikman ang mga pagkain, masarap pala.

Sa Hulyo 6 na mapapanood ang I Love You To Death. (Reggee Bonoan)