Ni JIMI ESCALA

Gladys Reyes
Gladys Reyes
TUMAWAG sa amin si Gladys Reyes upang ibalita na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging MTRCB board member, hanggang sa ngayon. Wala pa raw naman silang natatanggap na utos ng pagbabago mula sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Bukod sa pagiging board member, busy rin ang la primera kontrabida sa kanyang Moments (every Saturday 7 to 8 p.m. on Net 25) na siya mismo ang executive producer. 

Nitong nakaraang Sabado ay guest ni Gladys for the first time ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Happy talaga ako dahil nabigyan niya kami ng pagkakataon na maging guest siya sa show namin. We talked about her experience in Cannes, while doing Ma’Rosa, her being a mom to Andy & Gwenn and being a grandmother to Ellie na anak ni Andy,” kuwento ni Chic-chic (tawag namin sa kanya) sa amin. 

Dagdag pa ng wifey ni Christopher Roxas, walong taon siyang host niya ng show. 

“I’m producing it for three years na with my advocacy to inspire and strengthen the foundation of Filipino families,” sey pa rin ni Gladys. 

In her three years as producer ng Moments ay naging guest ng show niya ang mga bigating artista na kagaya nina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, at marami pang iba.

“Nasa pakikisama lang po ‘yan. And also the reason why I guested Jaclyn Jose is because I want to help her in promoting Ma’Rosa. Maganda kasi ang movie at ipapalabas na this coming July 6 and hopefully our kababayans will support and find out why the Cannes jury loved Ate Jaclyn in this movie,” lahad pa ng isa sa mga bagong artista ng Kapuso seryeng Poor Señorita, dahil papasok na ang character niya sa Friday. Nanay ni Jillian Ward ang role niya.

Kung sabagay, marami nang dumating at umalis na artista pero nananatiling naririyan si Gladys. Dahil nga marunong siyang makisama sa kanyang mga nakakatrabaho.

Samantala, dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ni Gladys. Kasama siya sa Smaller & Circles with Sid Lucero, Nonie Buencamino under Direk Raya Martin at sa launching movie ni Paolo Ballesteros na Die Beautiful.