Binigyan ng kapangyarihan ng National Police Commission (Napolcom) ang Philippine National Police (PNP) para pagtibayin at ipatupad ang National Police Clearance System bilang isang paraan para suportahan ang kampanya ng pulisya kontra krimen at mapabuti ang imbestigasyon at detection ng mga krimen.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at Napolcom Chairman Mel Senen S. Sarmiento matapos maglabas ang Commission en banc ng Resolution No. 2016-393 na may petsang Hunyo 17, 2016 na nag-aapruba sa implementasyon ng secure centralized system na nagkakaloob ng komprehensibo at technology-based criminal record check. (PNA)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'