Hulyo 1, 1979 nang ipagbili ang unang Sony Walkman sa halagang $150 kada unit. Aabot lamang sa 3,000 piraso ang naibenta ng buwang iyon.

Ngunit sumikat lang ang produkto matapos bigyan ng Sony representatives ang Tokyo pedestrians ng pagkakataong gamitin ang Walkman. Pagsapit ng huling bahagi ng Agosto, nagkaubusan na ng stock.

Taong 1972 nang buuin ng imbentor na si Andreas Pavel ang personal stereo. Madalas gamitin ng Sony co-founder na si Masaru Ibuka ang TC-D5 stereo cassette recorder sa kanyang paglalakbay, ngunit masyadong malaki ang nasabing unit.

Dahil dito, ipinag-utos ni Ibuka sa noon ay kanyang deputy na si Norio Ohga na bumuo ng portable gadget.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Naimbento ang Walkman kasabay ng custom-made batteries at malalaking headphone, ngunit taglay nito ang magandang kalidad ng tunog. Natapos ng mga Sony engineer ang pag-develop sa nasabing produkto sa loob ng apat na buwan.