KALIBO, Aklan – Nagsagawa ng caravan ang mga miyembro ng transport group na Tsuper at Operator Nationwide (Piston) upang ipakita ang kanilang suporta sa bagong upong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Kim Tugna, provincial coordinator ng Piston-Aklan, nakiisa sa caravan ang ilang jeepney at bus para ipabatid sa mga taga-Kalibo ang kanilang suporta kay Duterte. Nagsabit sila mga mensahe ng pagsuporta sa administrasyong Duterte kani-kanilang sasakyan.

Umaasa ang Piston na mapalakas ni Duterte ang transport group lalo na ang mga naghihirap na driver. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog