IPINANGAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 24 oras na linya ng telepono sa Malacañang para sa mga hinaing o reklamo ng publiko.

Dumating na ang oras ng pag-upo ng bagong Pangulo. Yes to Malacañang hotline.

Ipinangako rin ni Duterte na aaksiyunan ng kanyang administrasyon ang pinakakaraniwang problema ng publiko sa pamamagitan ng 24-hour hotline sa Office of the President na mahihingan ng tulong ng bawat Pilipino.

Hello, Mr. President/DU30 boys! Mayroong nagbebenta ng droga rito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Magkakaloob ang Office of the President (OP) ng 12 hotline numbers gaya ng 9-1-1 ng US upang tanggapin ang mga reklamo ng publiko, lalo na kung ito ay tungkol sa kurapsiyon sa sangay ng gobyerno, ani Duterte.

Ang nababagay na slogan: “Isumbong mo kay Digong/DU30 ang pandarambong at iba pang problema...”

Matatandaang sinabi ni Duterte sa kanyang victory party kamakailan sa Cebu na mismong siya ang mamamahiya sa mga corrupt na opisyal.

Paparating na ang agarang aksiyon sa pamamagitan ng DU30-style.

Ipinangako rin ni Duterte ang pag-aksiyon sa “delays” sa mga transaksiyon sa ahensiya ng gobyerno, kabilang na rito ang mahahabang pila sa pag-aasikaso ng mga dokumento gaya ng pasaporte, lisensiya, at permit.

Wala nang red tape, “napakahaba ang pila at patakbo-takbo” babala ni DU30.

Ganito rin, base sa kautusan ni Duterte, sa mga drug lord at 35 public official na may kinalaman sa illegal drug trade ay aarestuhin, ayon kay PNP Chief Bato de la Rosa.

Bilang na ang mga araw ninyo.

“We will arrest them. We will treat them as ordinary criminals,” babala ng PNP chief sa mga drug lord at local official na may kaugnayan sa narco-politics.

“You committed a graver sin. You were elected using drug money. So you might as well leave your post,” pahayag pa ng PNP chief.

Nangako rin ang Pangulo na agad sosolusyunan ang problema sa trapiko, partikular na sa Metro Manila.

“Hello, Congress and my ‘super majority’ coalition, please give me emergency powers ASAP,” sambit niya.

(Fred M. Lobo)