Nadakip ng mga tropa ng 3rd Infantry Division at mga operatiba mula sa Siaton Municipal Police Station ang isang babaeng lider ng New People’s Army (NPA) sa kanilang operasyon sa Negros Oriental nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Ray C. Tiongson, 3rd Infantry Division spokesperson, ang amasona na si Marilyn Badayos, na naaresto sa checkpoint operations sa Barangay Bondoc dakong 8:05 ng gabi habang sakay ng motorsiklo patungong Dumaguete City.

Si Badayos ay may standing arrest warrant para sa kasong homicide at attempted homicide na inihain ni Bais City Regional Trial Court Branch 45 Judge Candelario Guillermo V. Gonzalez.

Nakuha sa kanya ang .45 caliber pistol, isang fragmentation grenade at mga dokumento ng himagsikan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matapos ipaalam ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon, kaagad na dinala si Badayos sa Siaton Municipal Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (PNA)