CABANATUAN CITY - Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, nagpositibo ang operasyon ng Cabanatuan City Drug Enforcement Unit (DEU) at naaresto ang tatlong drug peddler sa buy-bust sa magkahiwalay na lugar sa lungsod na ito, nitong Lunes ng hapon.

Dakong 4:30 ng hapon nang madampot sina Rusty Perez y Legaspin, alyas “Tikong”, 35, binata, na nasa target list ng drug personalities; at Jerias Gonzales y Mendoza, 31, na naaktuhan sa pagbebenta ng hinihinalang shabu at P6,000 halaga ng dried marijuana fruiting tops sa pulis na poseur buyer.

Bandang 5:30 ng hapon naman nang madampot si Juan Paolo Sarmiento y Lapina, 21, binata, ng Bgy. San Juan Accfa, na nakumpiskahan ng isang heat-sealed transparent plastic ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog