Pinagtulung-tulungan ng mga residente ang isang lalaki na umano’y serial rapist matapos siyang bugbugin, pagtatagin at pagbabarilin hanggang sa mamatay sa Barangay Alas-as, Madalag, Aklan, sinabi ng pulisya kahapon.

Patay na nang idating sa Aklan Provincial Hospital si Abonjo Niñofranco, 46, hiwalay sa asawa, at nakatira sa Sitio Nailong, Bgy. Mamba sa Madalag.

Ayon sa imbestigasyon ng Madalag Municipal Police, nangyari ang krimen noong Linggo ng gabi nang sugurin ng taumbayan si Niñofranco.

Batay sa nakuhang impomasyon ng pulisya, nakatayo ang suspek nang sugurin ito ng mga tao na armado ng baril at itak.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinagtulungan siyang bugbugin, tagain at binaril pa sa likod hanggang sa bumulagta sa tabi ng ilog.

Naawat ng mga barangay tanod ang taumbayan at isinugod sa ospital si Niñofranco ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, apat na babae ang umano’y ginahasa ni Niñofranco, at ilan sa mga ito ay estudyante.

Sa record, nag-aabang ang suspek sa puno sa masukal na lugar at kapag dumaan doon ang biktima ay tinututukan ng patalim at hinahalay.

Nahaharap din si Niñofranco sa attempted parricide at arson, na isinampa ng kanyang misis matapos niyang saktan ito at sunugin ang kanilang bahay. (Fer Taboy)